Malalim na high tide muli ang bumungad sa mga residente sa island barangay sa Dagupan City dulot ng high tide at patuloy na pag-uulan dahil sa bagyo.
Nakararanas muli ng pagbaha ang ilan sa mga residente sa loob ng kanilang mga bahay na siyang malaking abala sa kanila dahil naaantala umano ang kanilang mga gawain sa bahay na dapat ay maaga nilang natatapos.
Ilang araw nang naglilimas ng tubig ang ilan sa mga residente tulad na lamang sa barangay Calmay kung saan madalas na nakararanas ng mataas na tubig baha lalo na ang mga natira sa gilid ng kailugan.
Nagtaas muli ang mga ito ng mga kagamitan na maaaring maabot ng baha lalo at paiba-iba ang lebel ng tubig at kung minsan pa ay nabibigla pa rin ang mga ito sa pagtaas ng tubig.
Hiling nila na sana ay matapos na ng mas maaga ang isinasagawang drainage canals nang sa gayon ay makita kung mayroon nga bang magbabago sa antas ng tubig baha sa lungsod sa pamamagitan nito.
Sa ngayon ay tuloy ang pagtatrabaho ng mga Dagupeno kahit pa mataas ang tubig baha sa ilang bahagi ng lungsod lalo pa at kauumpisa pa lamang ng school year ng kanilang mga anak. |ifmnews
Facebook Comments