MODERNIZE JEEPNEYS, NAKATAKDANG ILUNSAD SA MANAOAG

Nakatakdang ilunsad sa bayan ng Manaoag ang pagkakaroon ng Modernize Jeepneys upang makatulong sa sektor ng transportasyon doon.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario, sa susunod na linggo ay inaasahang lalabas na ang nasabing mga Modernized Jeepney.
Ayon sa alkalde, biyaheng bayan ng Laoac at Dagupan City ang ruta ng nasabing mga Modernized Jeepney.

Napansin umano nila na pila – pila ang mga mananakay sa mga Modernized Jeepney na nanggagaling ng Pozorrubio kung kayat magandang pagkakataon ito.
Samantala, tinitignan na din ang pagkakaroon ng mga Modernized Jeepney na biyaheng Urdaneta City na kalapit lugar lang ng Manaoag subalit posibleng ipaikot ito ng bayan ng Binalonan. |ifmnews
Facebook Comments