Mga residente sa mga lugar na tatamaan ng Typhoon Rolly, sapilitang palilikasin ng PNP

Sapilitang palilikasin ng Philippine National Police (PNP) ang mga residente sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Rolly.

Kasunod na rin ito ng ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 19.8 milyong Pilipino ang posibleng maapektuhan ng bagyo.

Ayon kay PNP chief Gen. Camilo Cascolan – nakahanda na ang kanilang mga tauhan para sa mga posibleng search and rescue operations.


Sa ngayon ay wala pa namang natatanggap na ulat ang NDRRMC hinggil sa posibleng casualty at inisyal na halaga ng pinsala ng bagyo.

Nagpaalala naman si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa publiko na sumunod sa minimum health standards habang nasa evacuation centers sa harap na rin ng nagpapatuloy nab anta ng COVID-19.

Hinimok din ni Duque ang mga otoridad na magtalaga ng safety officers sa mga evacuation centers.

Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naka-preposition na sa strategic areas sa buong bansa ang nasa P884 milyong halaga ng standby funds kabilang ang 260,164 family food packs.

Facebook Comments