Mga residente sa Navotas City, pinag-iingat pa rin sa kabila ng unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID-19

Sa kabila ng unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID-19, muli pa rin pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga residente nito.

Sa inilabas na datos ng City Health Department ng Navotas, bumaba na sa 48 mula sa 56 ang naitalang active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Ang Brgy. San Roque ang nakapagtala ng mataas na bilang na nasa pitong kaso habang tig-lima naman sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan at NBBS Kaunlaran.


Nasa 690 ang naitalang nasawi sa COVID-19 kung saan 21,029 ang nakarekober.

Muling hinihimok ng Navotas Local Government Unit ang mga residente na sumalang na rin sa pagbabakuna at booster shot para may proteksyon laban sa COVID-19.

Patuloy ring inaabisuhan ang lahat na pairalin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask sa anumang oras.

Facebook Comments