MGA RESIDENTENG APEKTADO NG BAKBAKAN SA CAGAYAN, HINATIRAN NG TULONG

Cauayan City, Isabela- Inabutan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ang mga pamilyang naapektuhan ng engkwentro o Internally Displaced Persons (IDPs) sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.

Nito lamang Sabado de Gloria, Abril 16, 2022, namahagi ng family food packs, Hygiene at Sleeping Kits ang nasabing ahensya sa mahigit 259 na pamilya mula sa brgy. Niug Norte at Sta. Maria.

Bukod dito, tumanggap rin ng P3,000 na tulong ang mga pamilyang apektado sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD na layong tulungan ang mga mahihirap na pamilya na sumasailalim sa krisis upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan kabilang na ang mga pamilyang lumikas ng kanilang tahanan dulot ng engkwentro.

Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD FO2 sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa iba pang tulong na maaaring maibot sa mga IDPs sa nasabing lugar.

Matatandaan nitong Huwebes Santo, Abril 14, 2022, nagkabakbakan ang tropa ng 17th Infantry Battalion at NPA sa Brgy. Virginia, Sto. Niño na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong (3) lider ng Communist Terrorist Group (CTG).

Facebook Comments