Mga residenteng inilikas dahil sa pagputok sa bulkang taal, tinututukan sa posibleng pagkakasakit at trauma

 

Tinututukan ng Department of Health (DOH) ang kalagayan ng mga nasa evacuation centers matapos masalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Ayon kay Health Sec. FRANCISCO Duque III, maraming may edad na nakaranas ng trauma matapos ang pagputok ng bulkan.

 

Aniya, nagdeploy na sila ng mga psychosicial health officers katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tignan ang kalagayan ng mga evacuees.


 

Nagsagawa na rin aniya sila ng mga paraan para madivert ang atensyon ng mga bata at maiiwas sila sa trauma.

 

Kabilang dito ang pagsasagawa ng book reading, pagpapalaro at religious activities.

 

Maliban sa trauma, tiniyak ng DOH na binabantayan na din nila ang posibilidad na magkaroon ng pagdami ng nagkakasakit sa mga evacuation center.

Facebook Comments