
Dalawang linggo bago mag-Pasko, aabot sa mga itinalagang evacuation sites ang ilang residente na naapektuhan ng malawakang sunog na nangyari kagabi.
Umabot sa halos 600 na indibidwal, o katumbas ng 200 pamilya, ang nadamay at nawalan ng tirahan matapos umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula.
Sa ngayon, patuloy ang suporta mula sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga nasunugan, tulad ng pagkain at mga hygiene kit sa iba’t ibang evacuation centers sa lungsod.
Nanawagan naman ang ilang apektadong residente ng karagdagang tulong upang makabangon, lalo’t papalapit na ang pagtatapos ng taon at wala silang ideya kung paano sila magsisimula sa 2026.
Facebook Comments









