Mga residenteng naapektuhan ng sunod-sunod na lindol, kinakapos na ng tent, tubig at pagkain

Nagkukulang na ang mga tent sa mga evacuation center sa Magsaysay, Davao del Sur kasunod ng sunod-sunod na pagyanig sa Mindanao.

Ayon kay Anthony Allada, public information office ng Magsaysay – maraming residente ang ayaw ng bumalik sa kanilang mga bahay dahil na rin sa takot bunsod ng mga nararansang mga aftershocks.

Kasabay nito, umaapela si Allada ng tulong mula sa national government dahil kinakapos na sila ng supply ng tubig matapos mapinsala ng lindol ang ilang water system sa kanilang lugar.


Bukod sa Davao del Sur – nakakaranas rin ng kakulangan sa supply ng tubig ang Kidapawan City matapos masira ang water system ng probinsya dahil sa lindol.

Pero tiniyak na ng Metro Kidapawan Water District na gumagawa na sila ng paraan para masolusyunan ang problema.

Facebook Comments