Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga residenteng naninirahan malapit sa Bulkang Taal na limitahan ang paglabas ng bahay dahil sa posibleng exposure sa volcanic smog.
Kahapon, umabot sa 15,347 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal kung saan nakaabot din ito sa Metro Manila at nagdulot ng tinatawag na haze.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na masama kasi ang maidudulot ng sulfur dioxide sa katawan ng sinumang makakalanghap nito.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan at patuloy na nagbubuga ng puting usok o steam na may 1,000 hanggang 3,000 ang taas.
Facebook Comments