Mga responsable sa pagkamatay ng kadete sa PMA, siniguro na itu-turn over sa mga awtoridad

Tiniyak ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal na ang lahat ng responsable sa pagkamatay ng isang kadete sa PMA ay papanagutin.

Sa isang statement sinabi ni General Madrigal na itu-turn over nila sa mga awtoridad ang mga responsable sa pagkamatay ni Cadet 4th class Darwin Dormitorio at hahayaang gumulong ang kaso.

Siniguro ni Madrigal na itinataguyod ng AFP ang pinakamataas na antas ng “accountability” at “transparency” sa kanilang hanay at hindi kukunsintihin ang anumang  kilos na maglalagay sa panganib ng  mga buhay ng kanilang mga miyembro.


Nagpaabot naman si Madrigal ng pakikiramay  sa pamilya ni Dormitoryo at sinabing gagawin ng AFP ang lahat para masiguro na ang ganitong insidente ay hindi na mauulit.

Base sa PNP medico-legal report si Dormitoryo ay namatay sa cardiac arrest dahil sa internal bleeding at nakitaan siya ng mga pasa sa tiyan na posibleng dahil sa suntok o tadyak.

Ayon kay Major Reynan Afan, tagapagsalita ng PMA, dalawang kadete na natukoy nilang may direktang kinalaman sa insidente ang nakakulong na sa stockade, habang ang isa ay iniimbestigahan na nasa holding center.

Facebook Comments