Hindi na dapat isapubliko pa ang resulta ng isinagawang survey sa mga kandidato.
Ito ang iginiit ng political analyst at University of the Philippines Professor na si Dr. Clarita Carlos kung saan naaapektuhan kasi nito ang desisyon ng mga tao sa gusto nilang iboto.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Carlos na hindi dapat dumepende ang mga tao sa survey lalo na’t mga piling indibidwal naman ang sumagot at hindi ang lahat ng tao.
Kasunod nito, iminungkahi din ni Carlos na dapat itigil na ang survey dalawang buwan bago idaos ang eleksyon.
Samantala, para kay Dr. Clarita Carlos, mas makabubuting pagtuunan ng mga kandidato ang plataporma pagdating sa edukasyon at kalusugan at hindi ang personalidad o ang resulta ng survey.
Facebook Comments