Pinagsusumite ni Agriculture Secretary William Dar ang mga rice traders ng dokumento ng kanilang rice imports.
Layunin ng hakbang na malaman ang volume ng importasyon ng bigas para matiyak kung ito ay nagkaroon ng sobra kumpara sa pangangailangan.
Magiging basehan naman ito ng ahensya kung magpapatupad ng general safeguard duty sa rice importation.
Dahil sa Rice Tarrification Law, bumaha ang imported na bigas sa Pilipinas dahil pinapayagan ng batas ang importasyon sa kabila na may bulto ng bigas ang mga Pinoy palay farmers para sa pangangailangan ng bansa.
Sa ilalim naman ng Anti-Dumping Law, ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng buwis sa imported products kung ang presyo ng produkto ay mas mababa kaysa sa normal value at kung may epekto ito sa lokal na industriya.