Wanted sa Kasong Rape sa Nueva Vizcaya, Timbog sa Tarlac City!

88

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang Top 6 most wanted person sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa Barangay San Nicolas, Tarlac City, Tarlac.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs.Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO ang akusado ay nakilalang si Philip Andrew Gonzales, 32-anyos, binata, empleyado ng DNF Distribution and Logistic sa Tarlac City branch na residente ng Bintawan Norte, Villaverde, Nueva Vizcaya.


Batay sa inisyu ni Hukom Paul Attolba, Presiding Judge ng Br. 30 RTC, Bayombong, Nueva Vizcaya, ay nahaharap sa kasong rape o panggagahasa na may criminal case # 5479 at walang kaukulang piyansa ang akusado.

Ang akusado ay nakatakdang ibiyahe ngayong araw mula sa Tarlac City Police Station patungo sa Villaverde Police Station para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers