Mga road of right way, pinapatutukan ni PBBM sa DOTr para sa pagtatayo ng South Commuter Railway Project ng North-South Commuter Railway System

Pinatutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Transportation (DOTr) ang mga road right of way para sa itatayong South Commuter Railway Project ng North-South Commuter Railway System.

Sa talumpati ng pangulo sa contract signing, inihayag nitong dapat magkaroon ng land acquisition at relokasyon na rin sa mga pamilyang maapektuhan pati na ng utility poles ng itatayong railway project.

Ayon pa sa presidente, dapat na siguruhing may sapat na tulong na ibibigay ang gobyerno sa mga maapektuhang pamilya.


Humihingi rin ng pang-unawa at pasensya sa publiko si Pangulong Marcos dahil sa abalang dulot sa konstruksyon ng railway project.

Sigurado aniyang may maidudulot itong malaking ginhawa kapag natapos na ang proyekto sa 2029.

Tinatayang nasa 800,000 na pasahero ang masi-serbisyuhan kada araw ng railway project.

Nasa 3,000 trabaho ang maibibigay sa konstruksyon ng 14.9 kilometro na railway project.

Facebook Comments