2 wanted persons, arestado ng PNP-AKG

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang indibidwal na wanted dahil sa kasong kidnapping.

Kinilala ang mga suspek na sina: Ramil Lagonoy Madriaga na top 5 most wanted person sa National Level at Jaime Marcaida Patano.

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ang dalawa sa tapat ng isang mall sa Cainta, Rizal kahapon.


Ayon sa AKG, ang dalawang suspek ay sangkot sa pagdukot sa mag-pinsang sina Mark Lu at Willam Lu noong June 3, 2022 sa Tondo, Manila.

Dinala na ang dalawa sa AKG Headquarters sa Camp Crame para sa dokumentasyon.

Isasalang naman ang nakumpiska sa kanilang baril sa ballistics examination.

Facebook Comments