Bumubuo na ang pamahalaan ng robots para tulungan ang mga healthworker na alagaan ang mga pasyenteng may COVID-19.
Sa ika-12 weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, ang University of Santo Tomas (UST) ay nagde-develop ng isang innovative robot, partikular ay isang remote-controlled wheeled device na gagamitin para makausap ang mga COVID-19 patients at makahatid ng pagkain at medical supplies.
Ang proyekto ay tinatawag na “Logistic Indoor Service Assistant Telepresence (LISA) Robot, na aprubado na ng Department of Science and Technology (DOST).
Una nang sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ang Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) ay tutulong sa UST sa pag-develop ng mga prototype robots.