Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na maaaring makuha lalo na at papalapit na ang tag-init.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ilan sa mga sakit na dapat iwasan ngayong tag-init ay skin allergies gaya ng bungang-araw, sunburn, tigdas, diarrhea, sore eyes at heat stroke.
Paalala ni Domingo dapat tiyaking malinis at tama ang pagkakaluto at preparation o paghahanda nito para ang food poisoning.
Payo ni Domingo na bukod sa pag-inom ng maraming tubig ay mahalaga pa rin ang pagpapanatili ng malinis na pangangatawan.
Dapat ring aniyang itapon ang mga tissue o ano mang bagay na ginamit na maaring dinapuan na ng virus.
Facebook Comments