Mga Sakit na Kalimitang Nakukuha Tuwing Panahon ng Tag-lamig

BER months na naman at talaga namang damang dama na natin ang malamig na klima dito sa Pilipinas. Alam mo ba na maraming ring mga sakit na maaari mong makuha tuwing malamig malamig ang panahon ? Narito ang ilan sa mga uri ng sakit at kung paano ito maiiwasan.

 

Sipon

Ang sipon ang isa sa mga kadalasang sakit ngayong malalamig ang panahon dahil sa pamamagitan ng hangin kumakalat ang virus nito at nakukuha kapag ang isang tao ay bumahing at nalanghap mo ito. Nabubuhay ang virus sa mga wet and cold environments kaya laganap ang sipon tuwing taglamig dahil ito ang gusto ng virus.


Pero huwag mag-alala dahil maaari naman itong maiwasan o malunasan. Isa na dito ay panatilihing malinis ang ating mga sarili at kapaligiran. Ugaliing mag hugas ng kamay at tiyaking malinis ang mga kagamitan natin lalo na ang ginagamit natin sa pagkain. Maaari ring uminom ng vitamin C na makatutulong para palakasin ang ating immune system at mahalaga rin ang pagkain ng prutas at gulay upang makaiwas sa mga sakit.

 

Trangkaso o flu

Maraming tao ang nagkakaroon ng trangkaso lalo na iyong may mga trabaho. Dahil ang trangkaso ay nakukuha rin sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na kontaminado ng influenza virus na sanhi ng pag-ubo o bahing ng taong may sakit at nailipat nito sa mga kagamitan sa paligid at maaaring nalanghap mo ang hangin na may virus o nagamit mo ang mga bagay na kinapitan nito.

Maaaring maiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng paglayo sa mga taong may ubo. Tiyakin rin na hindi gumagamit ng gamit ng taong may sakit at panatilihing malinis ang mga kagamitan dahil sa panahon  ng taglamig laganap talaga ang ganitong sakit. Maaari ring magpabakuna ng flu vaccine upang makasiguro tayo sa ating kalusugan at kapag nagkaroon ng ganitong sakit ay magpahinga na lamang sa loob ng bahay para maiwasang makahawa pa sa iba at uminom ng maraming tubig.

 

Arthritis

Karaniwang nakararanas ng ganitong uri ng sakit tuwing malamig ang panahon ay ang mga matatanda o yung mga lolo at lola natin. Mapapansin natin na sensitibo na ang mga matatanda sa temperatura sa paligid. Ngayong BER months ay balot na balot sila at nagsusuot ng makakapal na damit dahil iniiwasan nila ang pagkakaroon ng arthritis. Ang arthiris ay isang sakit sa mga joints kung saan naninigas ito at hindi natin maigalaw ang ilang parte ng ating katawan tulad ng kamay, paa at tuhod.

Maaaring maiwasan ang ganitong sakit sa pamamagitan ng pag-iwas sa malalamig na lugar at kung talagang hindi maiiwasan ay tiyaking magsuot ng makapal na damit , maaari yung makatulong ang pagsussuot ng jacket , medyas at gloves at ugaliing  mag-ehersisyo tuwing umaga.

 

Dry Skin

Kapansin-pansin tuwing taglamig ang panunuyo ng ating balat o pagkakaroon ng dry skin. Nagkakaroon ato ng dry skin tueing panahon ng taglamig dahil mabilis matuyo ang tubig sa ating balat tuwing taglamig.

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng paggamit ng moisturizer at kapag tayo ay maliligo huwag masyadong matagal upang hindi mawala ang natural oil ng ating balat.

 

Heart attack

Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng ganitong sakit, mataas ang tiyansa ng heart attack kung ikaw ay may sakit sa puso.  Malaki ang epekto ng pagbabago ng panahon( init at lamig) kapag malamig ang panahon ay lumalapot ang dugo at nagiging sanhi ng pagkipot ng ugat sa puso.

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng pagkain ng tama at masustansyang pagkain at ehersisyo. Ininim ang maintenance na gamot kung  mayroon.

 

Sore throat

Nakukuha ang sore throat tuwing malamig ang panahon dahil sa viral o bacterial infections tuwing taglamig. Kapag malamig ang panahon ay mabilis manuyo ang tissue sa ating lalamunan na nagdudulot ng iritasyon o maalala ay sugat.

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga malalamig na pagkain at inumin. Makabubuti rin kung hihinga tayo sa ilong at hindi sa bibig.


Article written by Merlyn Canete

Facebook Comments