Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na makukuha ngayong tag-ulan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag ni DOH Director Dr. Eric Tayag, mas maaaring maging malaganap ang waterborne diseases at makagawa ng “perfect storm.”
Maliban sa COVID-19, posible kasi aniyang makadagdag sa outbreak ang cholera o diarrhea, leptospirosis, influenza at dengue.
Mahihirapan din matukoy kung trangkaso o COVID-19 ang sakit ng isang taong tatamaan ng influenza.
Facebook Comments