Pagpapatupad ng social distancing sa mga gagamiting evacuation centers, ipinaalala ng NDRRMC

Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit pa rin ipatupad ang social distancing sa mga evacuation center sakaling kailanganin ito sa pananalasa ng Tropical Storm AMBO.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, kailangan na rin maghanda ang mga lokal na pamahalaan ng alternative evacuation center.

Aniya, karamihan kasi ngayon sa mga paaralan ay naging quarantine facilities ng mga COVID-19 patient kaya hindi ito maaaring gawing evacuation center.


Facebook Comments