Mga sakop na reef sa Spratly Islands, mas maraming sira kaysa sa mga hindi okupado ayon sa Simularity

Ipinakita ng isang geospatial analysis company na Simularity na mas maraming sira ang mga okupadong bahura sa Spratly Islands kaysa sa mga hindi pa nasasakop.

Batay sa ulat ng satellite data imagery company, nakakalikha ng mga nakakasamang chlorophyll ang mga reef dahil sa mga itinatapon sa dagat.

Nakita ring mas kaunti ang chlorophyll na nasa mga reef na hindi napupuntahan ng mga tao.


Facebook Comments