Nagkakahalaga ng P180 kada kilo ang pulang Sibuyas; habang P120/kilo naman ang Bawang; at ang Luya ay nasa P100 ang isang kilo.
Ayon sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Raffy Viloria, isa sa mga tindero sa Pampublikong Pamilihan ng lungsod ng Ilagan hindi naman umano nagkakaubusan ng suplay ng bawang dahil may nagbibiyahe nito mula sa Urdaneta at Nueva Vizcaya sa kanila.
Ang Mantika naman na ginagamit pang gisa ay nasa P26 kada bote at ang Coconut oil naman ay P40 kada pakete.
Samantala, may panawagan naman si Ginoong Viloria sa mga kinauukulan ukol sa presyo ng bilihin.
Aniya, sana ay bumaba ang presyo ng mga bilihin para rin sa kapakanan ng mga mamimili.
Kaugnay ito sa isyu na nagkakaubusan na ng suplay ng locally produced na Bawang at umaasa na lamang ang ating bansa sa pag-iimport ayon na rin sa naging pahayag ng Department of Agriculture.