Mga sangkot sa malaswang module, dapat panagutin

Iginiit ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian na panagutin ang gumawa at nag-apruba ng self-learning module na gumamit ng malaswang salita.

Sa tingin ni Gatchalian, sinadya ng gumawa ng module ang paggamit sa naturang salita dahil malinaw ang ibig sabihin nito at hindi angkop sa mga mag-aaral.

Ngunit ang mas nakakadismaya para kay Gatchalian ay nakalusot pa rin ang naturang module sa quality assurance ng Department of Education (DepEd) kaya dapat itong imbestigahan upang matukoy ang sumulat at dapat managot.


Tiniyak din ni Gatchalian na susuriin niya ang proseso ng quality assurance ng DepEd sa pandinig ng Senado para sa paghahanda sa school year 2021-2022 para matiyak ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon, sa pamamagitan man ng face-to-face classes o distance learning.

Facebook Comments