Mga sangkot sa mass distribution ng Ivermectin, dadaan sa due process – FDA

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na dadaan sa due process ang mga nagsagawa ng mass distribution ng anti-parasitic drug na Ivermectin para sa COVID-19 treatment.

Ito ay matapos makatanggap ng mga reklamo sa social media ang FDA hinggil sa nalabag na regulatory procedures.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, kanilang aaksyunan ang mga reklamo batay sa magiging resulta ng imbestigasyon ng FDA-Regulatory Enforcement Unit.


Giit ni Domingo, hindi inirerekomenda ng FDA at Department of Health (DOH) ang pag-inom ng Ivermectin laban sa COVID-19 dahil sa hindi sapat ang ebidensya nito.

Facebook Comments