Mga sangkot sa online child sexual abuse, pinatutugis ni PBBM sa ilang ahensya ng pamahalaan

Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos sa ilang ahensya ng pamahalaan na tugusin at panagutin ang mga sangkot sa child sexual abuse.

Isa ang child sexual abuse sa mga usaping tinutukan kahapon sa naganap na sectoral meeting sa Palasyo ng Malacañang.

Batay sa ulat ni Atty. Margarita Magsaysay, ang Executive Director ng Department of Justice Center for Anti-Online Child Sexual Abuse kay Pangulong Marcos, nananatili ang Pilipinas bilang destinasyong bansa ng iba’t ibang anyo ng child abuse at exploitations.


Tinatayang nasa halos kalahating milyong kabataang Pilipino rin ang nagagamit para sa pag-produce ng mga sexual exploitation materials.

Sa tala ng international non-profit organization na National Center for Missing & Exploited Children, umabot sa mahigit 2.7 million ang natatanggap nilang mga cybertipline report ng mga batang inaabuso at pinagsasamantalahan noong 2023.

Dahil dito, binigyan lamang ni Pangulong Marcos ng apat na linggo ang ilang ahensya ng pamahalaan para makabuo ng estratehiya upang masawata ang ganitong krimen.

Facebook Comments