Manhunt operation laban kay Pastor Quiboloy, mas pinalawak ng PNP

Pinalawak ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, buong bansa na ang ginagawang manhunt operation laban sa puganteng pastor.

Ani Fajardo, kumakalap na ng impormasyon ang kanilang mga tracker teams hinggil sa posibleng kinaroroonan ni Quiboloy.


Samantala, inaasahan namang mailalabas na sa loob ng linggong ito ang pirmadong desisyon ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office na bawiin ang License to Own and Posses Firearms ni Quiboloy base sa kanyang kasong kinakaharap na isang capital offense.

Si Quiboloy ay mayroong nakabinbing arrest warrants dahil sa mga kasong child abuse, sexual assault, trafficking, exploitation and discrimination.

Facebook Comments