
Inihayag ngayon ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na maglalabas ngayong araw ang COMELEC ng bigtime o maramihang show cause order laban sa mga sangkot sa vote buying.
Sa pagdalaw ni COMELEC Chairman Garcia sa National Printing Office (NPO) sinabi nito na kabilang sa sisilbihan nila ng show cause orders ay ang mga kandidato sa Laguna, Marikina, Quirino Province at iba pa.
Ayon kay Garcia, maglalabas din ang Task Force Safe ng show cause orders laban sa tatlong kandidato na tumatakbo sa matataas na posisyon.
Ngayon araw rin ay opisyal na maghahain ng kaso ang Task Force Baklas laban sa 30 hanggang 35 mga indibidwal.
Ito ay dahil sa hindi nila pagtatanggal ng mga campaign materials na ipinag-utos ng Task Force Baklas na tanggalin.









