Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng National Museum sa Hunyo 30.
Ito ay kasunod pagdaraos ng oath-taking ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Kabilang sa mga isasarang kalsada sa paligid ng venue ay ang:
– kahabaan ng Padre Burgos Avenue mula P. Burgos Avenue mula Taft Avenue patungong Roxas Boulevard
– kahabaan ng Finance Road mula Padre Burgos patungong Taft Avenue
– kahabaan ng T.M. Kalaw mula Taft Avenue patungong Roxas Blvd
– kahabaan ng Ma. Orosa Street mula Padre Burgos Avenue patungong TM Kalaw Avenue
– kahabaan ng Gen. Luna St. mula Padre Burgos Avenue patungong Muralla Street
– kahabaan ng C. Victoria Street mula Taft Avenue patungong Muralla Street
-at kahabaan ng Ayala Blvd. mula Gen. Solano Street patungong Taft Avenue.
Dahil dito, pinapayuhan ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang mga motorista na umiwas muna sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Maynila upang makaiwas sa anumang abala.