Mga sari-sari store sa Taytay, Rizal, muling isasara bukas, May 6

Nagpasya ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Rizal na muling isasara simula bukas, May 6, ang lahat ng mga sari-sari Store upang maiwasan ang pagkalat at mahahawaan ang mga residente ng COVID-19.

Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, layon ng Municipal Health Office at Taytay Philippine National Police (PNP) na matiyak ang kaligtasan ng bawat isa laban sa COVID-19.

Minabuti ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Rizal na kasama ang mga kapitan ng bawat barangay ay nakikiisa sa kampanya laban sa COVID-19, alinsunod na rin sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution kung saan napagdesisyunan nila na mas mabuting isara muna ang sari-sari store simula May 6,2020, upang maiwasan na maraming mga lumalabas sa kanilang mga tahanan.


Paliwanag ng alkalde na binibigyan ng pagkakataon na makapag-handa ang lahat upang makapamili ng sapat na pagkain.

Dagdag pa ni Mayor Gacula na mag daragdag sila ng Mobile Palengke sa mga barangay kung saan ang kanilang mga talipapa ay sumusunod at nakabatay alinsunod na rin sa ECQ Guidelines.

Giit ng alkalde, direktang iinspeksyunin ng ng mga tauhan ng Taytay Police kung ito ba ay naaayon sa kanilang pamantayan.

Hinihiling ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Rizal ang pakikiisa ng lahat upang mapagtagumpayan nila ang laban sa COVID-19 upang sila ay mapabilang na sa General Community Quarantine Status.

Facebook Comments