MGA SARIWA AT MURANG AGRICULTURAL PRODUCTS, IBINEBENTA SA MURANG HALAGA SA LINGAYEN

Mabibili sa murang halaga ang mga sariwang agricultural products sa bayan ng Lingayen matapos umarangkada ang programang KADIWA ni ANI at KITA ng Department of Agriculture.
Alas 8:00 ng umaga nang simulan ang bentahan kahapon sa Lingayen Civic Center.
Dito ay ihahatid ng diretso sa mga mamimili ang mga sariwang gulay at iba pang Agri-fishery commodities sa “abot kayang halaga” na direktang nagmula sa ating mga magigiting na magsasaka at mga mangingisda.
Labing limang (15) producers at vendors ang inaasahang magbebenta ng mga gulay tulad na lamang ng talong, ampalaya, kamatis, okra, kalabasa, upo, kasama ang sariwang prutas at mga isda.

Bukod sa murang halaga ng mga produkto, inihayag ni Ginoong Ramy P. Sison ng Provincial Agriculture Office na layunin din ng naturang aktibidad na magkaroon ng magandang ugnayan ang mga ‘producers’ at ‘consumers’. | ifmnews
Facebook Comments