Mga sasakyan sa NorthPort Passenger Terminal, balik biyahe na ngayong hapon

Nagsimula nang magbalik normal ng mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa NorthPort Passenger Terminal.

Ayon sa Philippine Ports Authority, kaninang alas-12:30 ng tanghali nang makaalis ang MV Maligaya na biyaheng Davao to General Santos to Iloilo.

Ang nasabing biyahe ay naantala mula pa noong Sabado sa kalagitnaan ng paghagupit ng Bagyong Aghon.


Samantala, nasa daan-daang mga pasahero na stranded ang binigyan ng lugaw at rice meals ng mga shipping line habang nananatili sa pantalan.

Sa datos ng PPA, mahigit isang libong mga pasahero ang makakabiyahe na ngayong araw dahil sa bumubuting lagay ng panahon.

Facebook Comments