Hindi pa rin pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng Bagyong Maring.
Kahapon, inalerto na ng PCG ang mga distrito nito sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Maring, gayundin ang medical at rescue units.
Kasabay nito ang paghahanda ng mga gamit pangkaligtasan tulad ng mga rubber boats at aluminum hull boats upang magamit sakaling magkaroon ng mga baha.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, kabilang sa kanilang mahigpit na binabantayan ang Southern Tagalog partikular ang Real port, Dinahican port at Polilio port.
Nagtago na rin sa mas ligtas na lugar ang ilang mga sasakyang pandagat.
Facebook Comments