MGA SASAKYANG PANDAGAT, MAAARI NG LUMAYAG

CAUAYAN CITY- Maaari nang lumayag ang anumang sasakyang pandagat sa coastal areas ng Isabela.

Matatandaang pansamantalang sinuspende ang pagpalaot ng mga ito sa bayan ng Palanan, Maconacon, Divilacan, at Dinapigue dahil sa bagyong Kristine.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Coast Guard Station Isabela, ang naturang suspensyon ay inalis alas singko ng umaga noong ika-26 ng Oktubre taong kasalukuyan.


Nagkakaroon ng suspensyon sa mga sasakyang pandagat kapag nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal sa lalawigan ng Isabela.

Samantala, pinag-iingat naman lahat ng mangingisdang lalayag sa data na i-monitor ang lagay ng panahon bago pumalaot.

Facebook Comments