Mga Sasali sa Transport Strike sa Region 1, tatanggalan ng prangkisa

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na maaring tanggalan ng prangkisa at lisensya ang mga driver ng Pampublikong sasakyan na lalahok sa transport strike sa Lunes.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Regional Director Nasrudin Talipasan, LTFRB Region 1, nakikipag-usap na umano sa mga transport group ang ahensya at umaapela na huwag ituloy ang tigil pasada sa Lunes sapagkat maraming mananakay ang maaring maapektuhan maging ang mga pamilya nila.

Ang hinaing umano ng mga transport group ay maaring idaan sa magandang pag-uusap na hindi na kailangang idaan sa transport strike.


Malakas ang paniniwala umano ni Talipasan na hindi gaanong maapektuhan ang Region 1 sa nasabing transport strike sapagkat maganda ang relasyon ng mga ito sa transport group at patuloy na inilalakad ang mga kahilingan.

Kaugnay nito hindi dapat maging kampante ang mga local government unit bagkus gumawa ng paraan sakaling maapektuhan ang mga commuter.

Samantala, hinikayat ni Talipasan ang mga transport groups at operators na huwag sumali sa nasabing transport strike.

Facebook Comments