Mas hinigpitan pa ng Muntinlupa Local Government Unit (LGU) ang curfew operations nito sa layuning mapigilan ang hawahan ng COVID-19.
Nagbabala ang LGU na tatanggalan ng scholarship ang mga menor de edad na nakikinabang sa local scholarship program na masisitang lumalabag sa curfew hours.
Sa ilalim ng ipinasang ordinansa, ang mga menor de edad na curfew violator ay bibigyan ng matinding babala sa first offense, pagbawi sa scholarship grant sa second offense at multang ₱500 sa third offense.
Ang mga magulang o guardian ng mga pasaway ang pagmumultahin sa paglabag.
Mayroon nang 70 scholars ang hinuli at 64 sa mga ito ay mga estudyante, 6 na mga menor de edad dito ang inalis na sa local scholarship program.
Ang mga second offense violator ay posibleng suspindehin at papipirmahin ng kasulatan para sa strict compliance ng curfew rules.
Mula sa mga ito, 8 ay nasa elementarya, 47 ay junior high school, 4 ay senior high school habang 11 ay nasa kolehiyo.