Manila, Philippines – Kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw pinatitiyak ni 1-Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr. sa mga school adminiatrators at mga magulang na ligtas at legal ang operasyon ng mga sasakyan ng kanilang mga estudyante at anak.
Giit ni Belaro na mahalaga ang buhay ng mga mag-aaral kaya kailangang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.
Hindi aniya dapat pinapayagan na sumakay sa mga kulorum na tricycle, dyip o mga van patungo at galing sa school ang mga estudyante.
Iginiit ng mambabatas na dapat may nakahandang records ang mga paaralan ng lahat ng drivers at assistant na naghahatid at sumusundo sa mga mag-aaral.
Bukod dito, dapat din anyang dumaan at pumasa ang mga ito sa masusing background at security check.
Dapat din anyang i-brief ang mga ito ng road safety laws and regulations upang ligtas na maihatid ang mga mag-aaral sa mga paaralan.
DZXL558