Mga sealed laboratory specimens mula sa ilang probinsya, ibinyahe ng mga sundalo sa mga testing centers sa Manila para sa initial diagnostic testing ng COVID-19

Sakay ng helikopter NC212 tumungo kahapon ang mga tauhan ng Philippine Airforce sa mga lalawigan ng Tacloban, Cagayan De Oro, Mactan Cebu at Iloilo.

Inutusan ang Philippine Airforce ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na kunin ang ang 78 sealed laboratory specimens sa mga nasabing lalawigan.

Ang 78 laboratory specimens na ito ay dinala agad sa mga testing centers dito sa Manila para matukoy kung positibo sa 2019 Corona Virus Disease (COVID-19).


Maliban sa pagkuha ng mga specimens, tumungo rin ang Philippine Airforce sa Laguindingan Airport sa Cagayan De Oro kahapon para naman ihatid ang 11 kahon ng Personal Protective equipments na nakalaan sa mga taga DOH Lanao.

Ang hakbang na ito ng Philippine Airforce ay pagsuport sa gobyerno para maiwasan ang pagkalat pang ng COVID 19.

Facebook Comments