Mga security personnel sa apat na paliparan ng NAIA – armado na ng matataas na kalibre ng baril

25

Manila, Philippines – Armado na ng matataas na kalibre ng baril ang mga security personnel ng apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport.

Mula sa dating 9mm na baril ay armado na ngayon ang mga security guard ng shotgun at high-powered riffles.

Sinusunod na rin ngayon ang buddy-buddy system na pagro-roving.

Ayon sa MIAA General Manager Ed Monreal – ang hakbang na ito ay bilang pag-papaigiting ng seguridad sa mga paliparan kasunod ng insidente sa Marawi City at sa Resorts World Manila.

Paglilinaw pa ng opisyal – walang anumang banta sa seguridad ng mga paliparan sa bansa.

Facebook Comments