Hindi dumalo si Senador Cynthia Villar sa pagtitipon ng mga bagong halal at kasalukuyang mambabatas na ginanap kagabi sa bahay ni Senador Manny Pacquiao.
Sa larawang ipinakita ni Pacquiao, nakipagpulong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga paparating na senador na sina Special Assistant to the President Bong Go, dating MMDA Chairman Francis Tolentino, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, dating PNP Chief at BUCOR Director Ronald “Bato” dela Rosa, dating senador Bong Revilla at Lito Lapid.
Kasama din sa miting ang mga present senators na sina Joel Villanueva, Miguel Zubiri, Loren Legarda, Ralph Recto, Sonny Angara, Nancy Binay, at outgoing senators Gringo Honasan at Sherwin Gatchalian.
Nahuling dumating si Senador Grace Poe pero ayon kay Sotto, “better late than never.”
Wala rin sa organized dinner sina JV Ejercito at Pia Cayetano.
Matapos ang pagpupulong, sinigurado ni Zubiri na mananatiling Senate President si Sotto.
Ayon pa sa kanya, siya pa rin ang Majority Leader at SP Pro Tempore si Ralph Recto.
Kahit nangyari sa mansion ng People’s Champ ang caucus, si Sotto ang nagpadala ng imbitasyon sa mga mambabatas.