Mga Senador, Handang Sumailalim Sa Drug Test

12

MANILA – Handa ang mga Senador na sumailalim sa drug test para linisin ang sarili nila sa akusasyon ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na may isang Senador na gumagamit ng cocaine.Ayon kay Majority Senator Tito Sotto III, kung hindi umano ilalabas ni Vice Mayor Duterte ang pangalan ng nasabing Senador ay makabubuting anya na sumailalim sila sa drug test para mabura ang hinala na may adik din sa kanilang hanay.Binanggit pa ni Sotto na silang dalawa ni Senator Gringo Honasan ay sumailalim na sa drug test noong campaign period at negatibo ang resulta.Si Senate President Koko Pimentel naman ay agad inihayag na hindi sya ang gumagamit ng ilegal na droga.Para kay Pimentel, hindi na magreact ang mga Senador sa kung anu anong mga komento lang o pahayag.Ipinunto ni Pimentel, na ang mga seryosong alegasyon o usapin ang dapat patulan ng mga Senador para hindi umano masayang ang kanilang panahon.

Facebook Comments