Vice Mayor Paolo Duterte, Hinamong Pangalanan Ang Senador Na Gumagamit Ng Cocaine

9

MANILA – Hinamon nina senators Antonio Sonny Trillanes IV at Panfilo Ping Lacson si Vice Mayor Paolo Duterte na huwag ng magblind item at pangalanan na ang sinasabi niyang senador na gumagamit ng cocaine.Ayon kay Trillanes, wala siyang alam na may senador na adik at kung meron ay hindi siya yun.Handa rin si Trillanes na sumailalim sa drug test pero dapat sumailim din si Vice Mayor Duterte sa drug test kung saan hindi lamang urine sample ang gagamitin kundi pati kanilang blood sample.Para naman kay Senator Lacson, seryoso ang akusasyon ni Vice Mayor Duterte.Ipinunto ni Lacson, na lahat silang 24 na senador ay mapaghihinalaang adik kung hindi tutukuyin ni Vice Mayor Paolo ang sinasabi niyang adik sa mataas na kapulungan.

Facebook Comments