Mga senador, hati sa planong gamitin ang TikTok sa pagtuturo

Sa budget deliberations ng Senado sa panukalang 2022 budget ng Department of Education (DepEd) ay lumutang pagsasanay sa mga guro para sa paggamit ng TikTok sa pagtuturo.

Sinuportahan ito ni Senator Pia Cayetano na siyang nagdedepensa sa budget ng DepEd sa katwirang makakatulong ang tiktok para mas maging exciting at masaya ang pag-aaral para sa mga kabataan.

Nilinaw rin ni Cayetano na dagdag lang at hindi magiging panguhaing paraan ng pagtuturo ang TikTok.


Sabi naman ni Senator Francis Tolentino, hindi nya ma-imagine ang sarili na nagti-TikTok sa pagtuturo ng law.

Agad namang nagbabala si Committee on Education Chairman Senator Sherwin “Win” Gatchalian na baka makasama ang sobrang paggamit ng social medial app sa mga estudyante.

Pinaalala rin ni Gatchalian ang isang nag-viral na guro na sinita ng DepEd dahil sa sobrang pagti-TikTok.

Facebook Comments