Mga senador, ikinalungkot ang pagpanaw ni Cardinal Vidal

Manila, Philippines – Nagpahayag ng kalungkutan sina Senators Francis Kiko Pangilinan, Nancy Binay at Joel Villanueva sa pagpanaw ni Ricardo Cardinal Vidal kasabay ang pag-alala sa mga nagawa nito sa bansa at sa mamamayang Pilipino.

Si Senator Pangilinan, nagpahayag ng paghanga dahil sa naging matapang na paninindigan ni Cardinal Vidal laban sa mga tiwaling leader ng bansa at sa mga mali na nangyayari sa ating lipunan.

Ipinaalala ni Pangilinan na isa si Cardinal Vidal sa nanguna sa EDSA people power revolution gayundin sa pagpapa-talsik kay dating Pangulong Joseph Estrada at sa pagsasalita laban sa mga kontrobersiya sa Arroyo at Aquino administrations.


Ipinagmalaki naman ni Senator Binay na si Cardinal Vidal ay naging pundasyon ng spiritual life ng kanilang pamilya.

Isa din si Cardinal sa mga spiritual counsels ni Senator Villanueva at ng kanyang pamilya.

Diin ni Villanueva, nawala man si Cardinal Vidal ay mananatili naman ang legacy na iniwan nito na umiikot sa paghikayat niya sa bawat isa na pairalin ang kabutinan at pagmamalasakit sa kapwa.

Facebook Comments