Magsasagawa ng ocular inspection ang mga senador sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte, ang lugar na kinaroroonan ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).
Batay sa notice na inilabas ng Senado, gagawin ang ocular inspection sa October 14 o sa susunod na Sabado.
Kumpirmadong pupunta sa Kapihan si Public Order Committee Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa kasama sina Senators Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Sherwin Gatchalian at Francis Tolentino.
Samantala, ang katuwang ni Dela Rosa sa imbestigasyon na si Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chair Senator Risa Hontiveros ay magpapadala naman ng kanyang kinatawan.
Napagdesisyunan naman ng dalawang komite na dumidinig sa kaso na sa Senado pa rin isagawa ang imbestigasyon.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na nais niyang personal na puntahan ang Sitio Kapihan para personal na makita ang sitwasyon at makausap na rin ang mga residente roon.