Nadagdagan pa ang mga senador na bumabatikos sa Grab dahil sa sobra-sobrang paniningil nito ng pamasahe sa kanilang mga pasahero.
Giit ni Senator Imee Marcos, ang pagdoble ng pasahe sa Grab ay malinaw na pang-aabuso sa kanilang mga pasahero.
Nangako na rin kasi aniya ang Grab sa gobyerno na kung magkakaroon ng pagtaas sa pasahe ngayong kapaskuhan ay magiging hanggang 22 porsiyento lang ito.
Nabatid na umabot sa 200 pesos ang singil ng Grab para sa isang kilometrong biyahe na dapat ay 100 pesos lang.
Matatandaang una na ring pinuna ni Senator Win Gatchalian ang Grab Philippines dahil sa mataas na singil nito ng pamasahe at inobligang maglabas ng fare matrix.
Facebook Comments