Nilinaw ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pumapayag pa rin ang Senado na “virtually” na dumalo sa pagdinig ang isang senador kapag nagpositibo ito sa COVID-19.
Nito lamang mga nakaraang araw at linggo ay magkakasunod ang ilang senador na nagpositibo sa COVID-19 kabilang na rito si Senator Cynthia Villar na dumalo sa confirmation hearing kahapon ng Commission on Appointments via online.
Paglilinaw ni Zubiri, sa ilalim ng rules ng Mataas na Kapulungan ang tanging sinsuspindi nila ay ang online session para maibalik ang face-to-face na sesyon.
Magkagayunman, pumapayag pa rin ang Senado na kapag ang isang myembro ay may COVID at kaya naman dumalo sa pagdinig o sesyon ay exempted ito sa rules ay mamarkahan pa rin itong present.
Maliban sa positibo sa COVID ay nai-a-apply din ang exemption na ito sa mga nagpapagaling mula sa sakit at yung may sintomas ng COVID na naghihintay pang ma-test.