Bukod kina Senator Sonny Angara at Senator Joel Villanueva ay nadagdagan pa ang mga senador na tutol sa panukala na ipatigil ang board at bar examination.
Giit ni Senator Sherwin Gatchalian, paraan ito para matiyak na highly competent at qualified ang mga professionals sa iba’t ibang sektor at industriya.
Ayon kay Gatchalian, ang board exams ay nagiging quality assurance mechanism ng mga bagong graduates sa pagpasok nila sa trabaho.
Ikalawa, paraan ito para masukat ang kalidad ng edukasyon sa ating tertiary education institutions at magawa ang hakbang para ito ay mapahusay.
Babala naman ni Senator Kiko Pangilinan, maaaring malagay sa peligro ang kalusugan at kaligtasan ng publiko kapag tinanggal na ang mga board exam.
Katwiran ni Pangilinan, malamang na dumami ang hao shao o pekeng propesyunal kapag binuwag na ang mga professional test.