Monday, March 16, 2026

Mga senador, nagdaos ng caucus kaugnay sa panukalang emergency powers kay PBBM

Nagsagawa ng caucus o pulong ngayon ang mga senador para talakayin ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspendihin o tapyasan ang excise tax sa fuel.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Pia Cayetano ang humiling ng caucus.

Tinatalakay dito kung i-a-adopt ba ng Senado ang bersyon ng Kamara sa panukalang emergency powers sa pangulo.

Sa ngayon ay hindi pa pinal kung suspensyon o bawas sa excise tax fuel ang kanilang ipapasa.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Pia na limitado lamang sa excise tax ang panukalang suspendihin o bawasan at hindi kasama rito ang VAT sa produktong petrolyo.

Posible namang magsagawa ng session ang Senado sa Huwebes para maihabol na maipasa ang panukala bago ang nakatakdang session break ngayong linggo.

Dagdag na balita natanggap na ng Senado ang inaprubahang bersyon ng kamara na bigyan ng emergency powers si Pangulong Marcos para suspindihin o bawasan ang excise tax at ini-refer na sa Committee on Ways and Means.

Facebook Comments