Mga Senador, naglatag ng mga mungkahi para maging ligtas ang pagbibisikleta ngayong may pandemic

Pinapatiyak ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kaligtasan ng mga lansangan para sa mga nagbibisikleta.

Si Senator Francis Tolentino naman ay inihain ang Senate Resolution No. 411 na nag-aatas ng pagkakaroon ng koordinasyon sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG) at MMDA para sa paglalagay ng bicycle lanes sa Kamaynilaan.

Diin ni Tolentino, malaking tulong ngayon ang pagbibisikleta para sa mga pumapasok sa trabaho habang limitado ang operasyon ng pampublikong transportasyon dahil sa sitwasyon na dulot ng COVID-19.


Si Senator Pia Cayetano naman ay buo ang suporta sa mga rekomendasyon na magkaroon ng pop-up bicycle lanes at emergency pathways sa mga kalsada patungo sa mga ospital kung saan ligtas na makakadaan ang mga healthcare workers at iba pang frontliners.

Iginiit naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa mga gusali ng gobyerno, pati sa malls at iba pang establisyemento na maglaan ng libre at ligtas na paradahan ng mga bisikleta.

Facebook Comments