Manila, Philippines – Nananawagan ng taimtim na panalangin ang mga Senador para sa kaligtasan ng mga taga Mindanao na apektado ng kagulunan at ngayon ay nasa ilalim na ng martial law.
Ang apela para sa dasal ay ginawa nina Senators Jv Ejercito, Cynthia Villar, at Kiko Pangilinan simula pa kagabi matapos na kubkubin ng grupong Maute ang Marawi City kung saan nagsunog pa sila ng ilang establisyemento doon.
Si Senator Sonny Angara naman, maliban sa dasal ay nananawagan din sa lahat ng nagnanais ng kapayapaan na magkaisa laban sa terorismo.
Nagpahayag naman ng pagkondena sina Senators Bam Aquino at Risa Hontiveros sa the Filipino terrorist attack na kagagawan ng Maute group sa Marawi.
Nagpaabot din sina Hontiveros ng suporta sa mga miyembro sa mga sundalo at pulis na matapang na tumutupad sa kanilang tungkulin para protektahan ang buhay ng mamamayan na apektado ng terror attack.
Si Senator Sherwin Gatchalian naman ay nagpahayag ng taos pusong pakikiramay sa mga residente ng marawi at binigyang diin na kabalikat nila ang buong bansa sa pagsubok na hinaharap.
DZXL558, Grace Mariano